Linggo, Marso 15, 2015

Ang Kalayaan Ko

Magbibigay ako ng pagkain sa mga batang walang pagkain. Hindi ako tatapon ng basura sa mga ilog. Mag dodonate ako ng mga laruan sa mga bata. Magbibigay ako ng pera sa mga tao na walang pera. Mag dodonate ako ng mga damit at ang mga lumang sapatos ko.

Huwebes, Pebrero 26, 2015

Batas Militar Sa Raya

Nagkaroon ang Raya ng Batas Militar. Isa sa mga batas ay wag mag laro.  May batas na bawal ngumiti. Nabato kami. Bawal rin gamitin ng aircon at nainitan kami. Gumawa sila ng Batas Militar para alam namin kung ano naramdaman ng mga tao noong panahon ng Batas Militar. 



ito ay isang litrato ni Marcos

Miyerkules, Pebrero 18, 2015

My Little Pony


Mahilig ako sa My little pony. Ang  paborito kong pony ay si Twilight Sparkle. Mahilig ako mag kolekta ng mga laruan na MLP. Gumawa ako ng MLP drawing club. May kaklase ako na mahilig rin sa My little pony ang pangalan niya ay Mayim.



Lumabas ako sa Barbie Magazine


Huwebes, Pebrero 12, 2015

Ang Lakbay Aral Namin Sa Manila

Noong pumunta kami sa Manila Zoo ang baho ng mga hayop. Pumunta kami sa San Agustin Church. Ang church ay malaki. Ang MMDA safety park ay parang maliit na Manila. Pumunta kami sa Rizal Park. Maganda ang Rizal Monument. Ang Manila Zoo may lion na malakas.

Lunes, Pebrero 9, 2015

Ang Gusto Ko Maging Kapag Malaki Na Ako

Kapag malaki ako gusto ko maging manlalakbay. Gusto kong pumunta sa ibat-ibang lugar. Gusto ko matikman ang mga pagkain galing sa ibang lugar. Kapag manlalakbay ako gusto kong umikot sa Filipinas bago pumunta sa ibang bansa. Gusto ko malaman ang ibat-ibang kultura.

Linggo, Pebrero 8, 2015

Ang Aking Ginawa Noong Hindi Ako Nakasama Sa GK

Hindi ako kasama sa GK dahil may sakit ako.Nagpahinga ako sa bahay. Uminom ako ng gamot para mawala ang sakit ko. Kumain ako ng lugaw. Kinukuha ang aking temperatura.