Linggo, Marso 15, 2015
Ang Kalayaan Ko
Magbibigay ako ng pagkain sa mga batang walang pagkain. Hindi ako tatapon ng basura sa mga ilog. Mag dodonate ako ng mga laruan sa mga bata. Magbibigay ako ng pera sa mga tao na walang pera. Mag dodonate ako ng mga damit at ang mga lumang sapatos ko.
Huwebes, Pebrero 26, 2015
Batas Militar Sa Raya
Nagkaroon ang Raya ng Batas Militar. Isa sa mga batas ay wag mag laro. May batas na bawal ngumiti. Nabato kami. Bawal rin gamitin ng aircon at nainitan kami. Gumawa sila ng Batas Militar para alam namin kung ano naramdaman ng mga tao noong panahon ng Batas Militar.
Miyerkules, Pebrero 18, 2015
My Little Pony
Mahilig ako sa My little pony. Ang paborito kong pony ay si Twilight Sparkle. Mahilig ako mag kolekta ng mga laruan na MLP. Gumawa ako ng MLP drawing club. May kaklase ako na mahilig rin sa My little pony ang pangalan niya ay Mayim.
Huwebes, Pebrero 12, 2015
Ang Lakbay Aral Namin Sa Manila
Noong pumunta kami sa Manila Zoo ang baho ng mga hayop. Pumunta kami sa San Agustin Church. Ang church ay malaki. Ang MMDA safety park ay parang maliit na Manila. Pumunta kami sa Rizal Park. Maganda ang Rizal Monument. Ang Manila Zoo may lion na malakas.
Lunes, Pebrero 9, 2015
Ang Gusto Ko Maging Kapag Malaki Na Ako
Kapag malaki ako gusto ko maging manlalakbay. Gusto kong pumunta sa ibat-ibang lugar. Gusto ko matikman ang mga pagkain galing sa ibang lugar. Kapag manlalakbay ako gusto kong umikot sa Filipinas bago pumunta sa ibang bansa. Gusto ko malaman ang ibat-ibang kultura.
Linggo, Pebrero 8, 2015
Ang Aking Ginawa Noong Hindi Ako Nakasama Sa GK
Hindi ako kasama sa GK dahil may sakit ako.Nagpahinga ako sa bahay. Uminom ako ng gamot para mawala ang sakit ko. Kumain ako ng lugaw. Kinukuha ang aking temperatura.
Huwebes, Enero 29, 2015
Ang Aking Mga Pinakamagandang Ginuhit
Mahilig ako gumuhit ng mata na parang totoo.Mahilig rin ako gumuhit ng bahaghari.Ang aking mga ginuhit ay dinidikit sa dingding.Kinukunan ko rin ng litrato ang mga ginuhit ko.Sobrang dami na akong naguhit.
Sabado, Enero 24, 2015
Ang Mundo Para Sa Akin
Espesyal ang ating mundo kasi dito lang puedeng tirahan. Espesyal ito kasi dito lang may oxygen. Dito lang ang may mga lupa. Espesyal ang ating mundo kasi dito lang puedeng may tao. Espesyal kasi dito lang ang mga hayop.
Sabado, Enero 17, 2015
Biyernes, Enero 16, 2015
Huwebes, Enero 15, 2015
Miyerkules, Enero 14, 2015
Pagpapakilala Sa Sarili
Ako si Tatiana ,8 taong gulang . Nagaaral ako sa Raya. Mahilig ako gumuhit ng mga prinsesa.Mahilig rin ako maglaro.Ang paborito kong paksa ay
Math.Mahilig ako magbasa.
Math.Mahilig ako magbasa.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)